This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
Filipino
Last Tuesday, @ Greenview Subd., Las Piñas

Ate Nikka: Bakit mo ba gusto mag-BA Filipino ?
Ella: Kasi yun yung hindi napapahalagahan eh.

Total shock after saying this. Like a kiddo, madalas hindi ko pinag-iisipan ang sinasabi ko. Do you believe me na talagang hindi napapahalagahan ang Filipino? We're forced to learn to speak/write in English because it'll help up to be globally competitive. Echosera, paano ka magiging competitive kung until now dagat parin ng basura ang pumapaligid sayo ?

Labels: , , ,

|3 Comments |
Posted on Friday, April 23, 2010 at 10:59 AM.
English po
Why are we using English? Why everything - almost everything, is written in English ? Pinoy ako. Pinoy ka. We're supposed to speak and write in tagalog. Do you believe in me?

Labels: , ,

|2 Comments |
Posted on Tuesday, April 13, 2010 at 11:43 AM.
Akda ni Wilfredo
Takda namin sa Filipino ang basahin ang kwentong "Silindro ni Doy ni Wilfredo Virtuso ". Magandang kwento . Oo , napakaganda . Ewan ko ba , ngunit naiyak ako ! Masyado ko naman ata dinama yung storya .


Ang Silindro ni Doy (Wilfredo Virtusio)

Doy - Sancho Pancho, nabilanggo dahil sa pagtaga sa 2 lalaki

- may 2 pilat sa kaliwang tagiliran

- pandak, maitim, matipuno, makapal

- marunong makisama

Noy- kasama ni Doy sa brigada,

Ben- kasam rin sa brigade, nagtago ng silindro

Bruno- payat at balbasin, di makatulog dahil sa silindro

*pamilya ni Doy - mula sa Negros lumipat sa Mindanao ( kagubatan) dahil sa kahirapan

- kagubatan sa Mindanao- sinaka ni Doy at nagtayo ng tirahan

*Agrarian Reform Law- nagbibigay karapatan sa mga taong nagsaka sa lupa

Aral: matutong kontrolin ang sarili (source)

Nalungkot ako . Nag-iisa na lamang si Doy . Hindi na siya nadadalaw ng kanyang pamilya dahil simula ng makulong si Doy ay nagkalayo ng sila . Isang araw , nakita ni Noy na may hawak-hawak si Doy na silindro (parang Harmonica) . Simula noon , nagsanay ng nagsanay si Doy hanggang sa maitugtog na niya ang mga piyesang inihaharana niya sa asawa . ;) Simula rin noon , hindi na tumigil sa Doy sa pagtugtog ng silindro na naging dahilan sa pagkapuyat ng mga kasam sa brigada . Kaya napagkasunduang nakawin ang silindro ng matigil na ang pagtugtog ni Doy . Hindi ko malaman bakit hindi nila maintindihan na mahalaga kay Doy ang silindro .

Tulad nga ng sabi ni Gng. Urellan , sa isang kwento may nasa likod pa , at sa likod ng kwento ay may nasa likod pa .


Bakit hindi nalang nila kinausap si Doy ? Hindi ba nila alam na sa kabila ng lungkot sa bilangguan ay nadama ni Doy ang contentment kahit paano sa tulong silindro ? Nalungkot ako .

Dahil doon , nang malaman ni Doy na nawawala ang silindro hinanap niya agad si Noy . Siya lang ang nakakaalam sa pinagtataguan ng silindro . Sinuntok niya sa Noy nang hindi nito inamin . Nagwala si Doy . Ang dating ningning na nasa mga mata ni Doy ay naglaho . Nanlisik ito . Kung sana hindi yon ang ginawa nilang aksyon , hindi magkakaganon .

Gulat ko't ng magkita sila , takot parin si Noy, humahangos pang lumapit si Doy . Hawak na niya ang silindro sa isang kamay . Humingi pa siya ng tawad kay Noy . Natuwa ako pero tingin ko'y si Noy rin ay dapat humingi ng tawad . Sabi pa ni Doy , "Suntukin mo ako , Noy para makaganti ikaw." Napakabuti niya . Pinanindigan niya na nagkamali siya nang suntukin ang kasama . Sinapok ni Noy si Doy sa nguso at pumutok ang labi nito . Imbis na gumanti , pilit niya pang ngumiti .

Wika pa'y ,"Amigo uli tayo."


Sentimental value ika nga . Nang binabasa ang kwento , unang pumasok sa isip ko ang aking lolo . Mahalaga siya sa akin , tulad ng pamilya ni Doy sakanya at ng silindro. Inalagaan niya ako simula pagkabata , sa kabila ng trabaho sa palayan na tanging pinagkakakitaan . Iniwan ako ng mga magulang ko sa aking lolo at lola . Sa panahong nangailangan ako ng tulong , andoon siya , andoon sila . Naalala ko pa ang mismong eksena nang malaman kong wala na ang aking lolo . Ganito rin , nakaharap ako sa computer , kasunod ay pagluha . Mga bagay na hindi natin kayang ipagpalit , isa doon ang aking lolo .

Para sa akin , ang aral na natutunan ko ay , PAGPAPAHALAGA . Wag nating palagpasin ang mga pagkakataong ipakita sa mga tao at maging sa munting bagay ang ating pagpapahalaga . PAG-UNAWA , kung naunawaan lang nila ang sitwasyon at problemang kinakaharap ni Doy , hindi mauuwi sa ganoon . Natutuwa ako at sa huli ay naging maayos ang lahat . Kung hango ito sa tunay na istorya , nasaan na kaya si Doy ? Mapalad siya at naging inspirasyon siya sa iba . Sana marami pang pilipino ang makabasa nito .

Salamat , Wilfredo . Salamat .

Labels: , , ,

|4 Comments |
Posted on Tuesday, July 7, 2009 at 4:41 AM.
Magsimula na tayo :)


kung hindi natin sisimulan ngayon , kailan ? paano nalang ang kabataan ? paano nalang ang Pilipinas ?

Labels: , ,

|1 Comments |
Posted on Tuesday, June 23, 2009 at 7:12 AM.
Pacman's Big fight
Today is Manny Pacquiao's fight against Hatton . They entitled the fight : "The Battle of East and West". Actually , I don't know why everyone is really excited about this . I don't like Pacman . I don't mean , I hate him . Umm , I can't tell . Pretty hard to explain . Filipinos treat Manny Pacquiao as a hero or something .. I just hate the fact that people excel in 1 great thing : BOXING . Boxing - basagan na mukha . Or should I say palakasan . Maybe , before , it's only for fun , but now it's a JOB . A big working experience . I can't blame those boxers . The receive cash , and fame too . The receive honor from different people . Look , Mr. Pacquiao visit the M.Palace every vacation because he received an invitation from our president . He is being praised by everybody .

My dad was invited by my tito Caesar , a relative who just came back from US . They will watch the fight in Mall of Asia . I asked papa if he can bring me along , but he refused . I just told him to bring home something for me . I want to go with them not because I want to watch that fight but to bond with them .

I can't understand why boys love to watch fight like those . I hate watching games/fight like boxing , WWE , and other violent fights . See , some kids are being influenced by these . I thought the youth is the hope of this land , but if we'll continue putting ideas to these kids' minds , how can we reach success ? I am not saying that Manny Pacquiao is a bad influence but we need guidance from parents and other people about this thing . Look at his kids , one of his sons said that he want to be like their daddy . Good , pacman said that he want his kids to finish their studies and don't follow his steps .

Hmm , those are my opinions . Afterall , God bless to Manny Pacquiao and Ricky Hatton . Be the best man win . That's All . Paalam .

*Update*
Pacman won . :)

Labels: ,

|0 Comments |
Posted on Saturday, May 2, 2009 at 5:19 PM.
Ang Umaga at Ikaw
Alasais na pero di parin ako nakakatulog . Ewan ko ba bakit kita iniisip . Oo , ikaw ang iniisip ko .. 2 taon ang tanda mo sa akin . Nagkakilala tayo sa canteen , naaalala ko pa .. 1st year ko iyon sa high school . Magkasunod lang ang mesa na kinauupuan natin at kasama mo si kuya JB . Si kuya jb ay anak ng isa sa mga kaibigan ni mama , pinakilala ka niya sa akin pero wala kang pakialam . Kwento ka kasi ng kwento tungkol sa DotA , online game . Wala naman sa akin iyon pero ngayon lahat ay nagbago na . Sa gulang kong ito , nabihag mo ang puso ko . Anu ba kasi ang meron ka ? Nakakapagtaka kung bakit ikaw pa ang kauna-unahan kong minahal .

Inum ng kaunting tubig . Heto , natutuwa parin at napatunayang napakatatag ko pala dahil mahigit isang taon narin kitang minamahal . Sa tulong narin ng ilang mga kaibigan ay naging malapit tayo sa isa't - isa . Simple lang naman akong mag-aaral . Ikaw , isa sa mga hinahabol-habol . Minsan pa nga , tungkol sa mga babaeng patay na patay sa iyo ang tema ng usapan natin eh . Kung hindi naman babae , bakla ! Nung una , ayoko sa iyo . Sa totoo kasi , naiilang ako sa mga ginagamit mong salita . Mga salitang parang tunog kalye . Ewan ko pero hindi ko gusto . Ikalawa , ayon sa narinig ko mahilig ka sa gulo . Mayabang ka rin raw . Ngunit lahat ng iyon ay ilan lang pala sa ugaling ikinaiba mo sa kanila . Nakilala kita bilang masayahin , mabait , romantic , at maalalahanin .

Inaabot na ng sikat ng araw ang aking higaan . Noong una , kaibigan at kapatid lang ang turingan natin . May nililigawan na noon . Wala namang problema sa akin iyon dahil pag-aaral parin ang nasa isip ko . Dumating ang araw at nahati ang panahon mo sa aming dalawa . Bihira na tayong magkasama at mag-usap . Hindi na tayo magkasabay sa lunch break . Dumating ang marso , gulat ko nalang nang may natanggap akong mensahe . Ay , ikaw pala . Noong mga panahong iyon , tila problemado ka . Sinabi mo , "Ella , nasaktan ko si Arianne" . Si Arianne ang bestfriend ko . Matagal ko nang alam na mahal ka ni Arianne bago mo pa nalaman . "Mahal niya pala ako." Hindi ko pa alam ang sasabihin sa'yo non . Basta alam ko , naawa ako kay Arianne , pero bahagi iyon ng pagmamahal . Pero teka , anu to ? Kakaiba yung pakiramdam ko . Sasabihin ko narin ba kung ano ang nararamdaman ko ? Nag-aalangan pa ako noon pero sinabi ko narin . Nakakasakit ka pero hindi mo alam at di mo rin dapat malaman . Di mo dapat malaman dahil hindi kailangan , at alam ko sa sarili kong wala akong karapatan . At labis mong ikinagulat iyon . Puro "Sorry talaga.", at "Sorry , hindi ko alam . ", ang natanggap ko mula sa iyo . Napangiti mo ako dahil doon . Salamat .

Naririnig ko ang mga ibon na nag-awitan . Inamin mo na minahal mo ako . Ngunit dahil sa ayaw mong masayang ang pagkakaibigan natin , itinago mo nalang ang nararamdaman . Naging totoo tayo sa isa't - isa matapos kong ikumpisal sa iyo ang pag-ibig ko . Halos araw araw magkausap sa telepono . Ayokong umasang magiging tayo pero kung may pagkakataon , bakit hindi . Masaya kang kasama . Madami kang interes na noon ko lang nalaman . Nanonood tayo ng sine . Tumatambay at nagkwekwentuhan . Iyo ang pinaka masayang bahagi ng buhay ko - ang kapiling ka .

May ilang dyip naring dumadaan sa kalye namin . Isang araw ng Nobyembre . Isang araw na puno ng gawain . Madami akong inaasikaso ng araw na ito .. Isang paligsahan ang naghihintay sa akin at sa aming magkakaklase . Iniwan ko sa iyo ang aking bag para iyong bantayan habang kami'y nasa paligsahan . halos alasais na ng hapon ng ako'y makalabas ng paaralan . basta ang naalala ko , andun ka .. hinihingi mo ang "Oo" mula sa akin . Nung una , medyo tulala ako . Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa iyo . Ang mga kaibigan mo na nasa tapat na fastfood ay may hawak na cartolina , nakalagay "I love you" . Hindi ako makapaniwala sa nangyari . Bigla nalang , lumuhod ka . Oo , sa harapan ko mismo . Sa tapat ng school gate , sa sidewalk , sa harapan ko lumuhod ka .. Hindi ako makapaniwala .. Hinawakan mo ang aking kamay , iniabot ang rosas na kulay kahel at itinanong muli , "pwede ko na ba marinig ang Oo mo ?" . Wala na akong nagawa , tutal mahal ko naman siya , "Okay , Oo na . Tumayo ka na nga dyan. " Sobrang saya ko . Pero teka , paano mo nalamang kulay kahel ang paborito ko ? salamat .

Nagugutom na ako , gusto ko nang mag-almusal . 2 buwan lang at kailangan na nating maghiwalay . Sabi mo , "Sorry , na-fall ako sa iba ," . Pinakamasakit marinig iyon sa mismong araw ng pang-ikalawang buwan natin . Nang marinig ko yo'n sobrang gulong-gulo ako . Hindi ko alam kung anong dapat gawin . Gusto mo magpaliwanag pero bago ka pa nagsalita , pinatigil kita at ako'y umalis na . Sa dami - dami ng ating pinagsamahan nauwi lang sa paghihiwalay . Siya nga pala , ipakilala mo naman ako ng personal sa kanya , dun sa dati mong bestfriend . Oo , dating bestfriend , ngayon girlfriend na . Wag kang mag-alala , hindi ako nagseselos . Basta kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako . Oh siya , naghihintay na ang mundo sa pagdating ng bagong AKO . Sa ngayon , paalam muna .

Isa na namang umaga ang naririto . Hanggang kailan kaya kita hahanap-hanapin . Nangungilila na ako pero , Oo , kailangan ko nang makalimot .

Labels: , ,

|0 Comments |
Posted on Friday, May 1, 2009 at 4:15 PM.