This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
Jenny Jeans

Cropped jeans. Oyeh, I made this. Na-shock ang mommy ko nung nakita niya to. Early this afternoon, I was looking for my Black Freego Shorts. I can't find it. So here, the product of creativity and resourcefulness. Not bad, huh?

I tried wall climbing today. I liked it. Wanna try bungee jumping some other time. Summer is totally fun. Thanks to Arianne and kuya Paulo. :)

Labels: ,

|4 Comments |
Posted on Thursday, April 29, 2010 at 8:12 AM.
But I can't
Not allowed to eat chocolates. Why ? Allergies. Actually, I'm not allergic to Chocos but since nagkaroon ako ng allergic reaction because of eating hotdogs. Waa. ;(
This really sad for me. I can't eat seafoods, chicken :( , snacks with artificial preservatives and with food colorings. I'll just think - will try, try really really hard on this, that I'm on a very strict diet.

Labels: ,

|0 Comments |
Posted on at 8:06 AM.
Sometimes
Because sometimes we want to pause. We want some rest. We want time heal everything. And we'll be waiting for a new beginning.

Labels:

|2 Comments |
Posted on Wednesday, April 28, 2010 at 9:03 AM.
We Are
Yes, we're tired. But will never give up. We're tired but still in love.

Labels: , ,

|2 Comments |
Posted on Tuesday, April 27, 2010 at 2:49 AM.
Great
Have you experienced being so mad but when the one you love smiled at you everything went back to normal ? I did. It was great. Really. Thanks, kuya kog. :*

Labels: , ,

|0 Comments |
Posted on Sunday, April 25, 2010 at 7:51 AM.
Filipino
Last Tuesday, @ Greenview Subd., Las Piñas

Ate Nikka: Bakit mo ba gusto mag-BA Filipino ?
Ella: Kasi yun yung hindi napapahalagahan eh.

Total shock after saying this. Like a kiddo, madalas hindi ko pinag-iisipan ang sinasabi ko. Do you believe me na talagang hindi napapahalagahan ang Filipino? We're forced to learn to speak/write in English because it'll help up to be globally competitive. Echosera, paano ka magiging competitive kung until now dagat parin ng basura ang pumapaligid sayo ?

Labels: , , ,

|3 Comments |
Posted on Friday, April 23, 2010 at 10:59 AM.
TAG-gish
1. Give a top 10 list of the things that makes you happy:
  1. Food
  2. Music
  3. Sleeping/Rest
  4. Time for reading books
  5. Kog
  6. Funny conversations
  7. Unique scenes of everyday life
  8. Ideas ( with matching light bulb above my head! )
  9. Friends
  10. Mom's messages. My mama is really sweet when it comes to texting her daughters.

2. Give a top 5 list of trivia about yourself.
  1. Talkative/Noisy/Loud (I'll let you choose for the right term)
  2. Loves food but don't want to be called fat
  3. I love pillows and soft stuffs ( The reason why my tumbleblog's url is http://softerpillow.tumblr.com )
  4. I like sweets
  5. Emotional, srsly. :(

3. Share the award with only 5 persons and ask them to do the same thing.
  1. Ran
  2. Daniella
  3. Meka
  4. Trish
  5. Nice
4. Link the blog of the person who awarded you.

Labels: , ,

|1 Comments |
Posted on at 10:37 AM.
BEST
Ako, gusto kong maging pinakamahalaga sa kanya.

Labels: , ,

|1 Comments |
Posted on Friday, April 16, 2010 at 8:34 AM.
Warty warts
(source)

Waa. I hate having warts. Thanks to Faces 2000. Yihaaaa. Hope it wont leave a scar. Oyeea.
|0 Comments |
Posted on at 8:13 AM.
Proudly
(source)

I am a Filipino. Sweet, smart and known for hospitality. The only Catholic country in Asia. Aren't you proud ?

Labels: , , ,

|0 Comments |
Posted on Wednesday, April 14, 2010 at 8:35 AM.
Sisters

My ate Fhia is working in Kuwait. Well, this post isn't about her. This is about my best friends. The ultimate gala team. Kasama sa pag-aaral. For better or for worse. Namely, Shane, Jireh and Pat.



Damayan. Yakap. Tawanan. Apihan. Tambay. Asaran. Kahit anong mangyari, kayo ang LOVE ko.

Labels: , ,

|0 Comments |
Posted on at 7:31 AM.
English po
Why are we using English? Why everything - almost everything, is written in English ? Pinoy ako. Pinoy ka. We're supposed to speak and write in tagalog. Do you believe in me?

Labels: , ,

|2 Comments |
Posted on Tuesday, April 13, 2010 at 11:43 AM.
Greedy + Gluttonous
(source)


MATAKAW AKO. Opo. This summer ko lang naramdaman at napatunayan. Good or bad ? Halaaaaa. Tell me what to do. Please ? ;(

Temptation 101 : Midnight Snacks
Temptation 102 : I love Sweets
Temptation 103 : Meat me today

Labels: ,

|2 Comments |
Posted on at 11:06 AM.
Paglimot sa Isang Anghel
Note : I wrote this when I was ten. I found this, finally, at my old site.
Inspiration : Concrete Angel by Martina Mcbride

Napukaw ako ng ingay na nagmula sa silid ng aking ina. Bagamat musmos pa lamang ang aking isipan, napansin ko ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Napuna ko ang mga pasang nasa kanyang braso. Walang sinumang pumasok sa aking isipan maliban sa aking ama. Siya lamang ang makagagawa nito. Simula nang bumagsak ang aming negosyo, nabaon kami sa mga utang. Hindi lamang ang aking itinuturing na ina ang pinagbubuntungan ng kanyang galit, sa kadahilanang ako’y hindi nila tunay na anak, maging ako, tiyak na dumaranas ng pasakit na ito. Noon ko lamang nakita si Mama na tumangis ng tila wala nang pag-asa. Nang natanaw ako ni mama “Essie, wag kang lalapit...”

Nang inihagis ni Papa ang bote ng alak na hawak hawak niya, nagmamadali akong tumakbo patungo sa aking silid. Niyakap ko ang unan upang pigilin ang takot at ang nararamdamang awa para sa sarili at sa aking ina. Palubog na ang araw, ang tanging idarasal ko’y, “Panginoon, kung ako’y gigising pang muli bukas, hayaan n’yo po sana akong maipamalas sa aking ina ang kaligayahang nakalaan para sa kanya.”

Maaga akong gumising upang pumasok sa paaralan. Magulo ang mga kagamitan dahil sa nangyari kahapon. Tulad ng dati, wala roon si Papa. Karaniwang inuumaga siya ng uwi at sa tuwing darating siya’y lango siya sa alak. Ngunit ako’y sinorpresang hindi madatnan ni Mama sa kanyang silid. Inisip kong marahil ay naroroon siya sa may kusina. Ngunit nang nagtungo ako sa silid-lutuan, walang kahit bakas siyang naiwan. Binalot ako ng mga katanungang, “Nasaan kaya si Mama? Uuwi pa kaya siya?”

Kumuha ako ng ilang pirasong tinapay. Iyon na lamang ang magsisilbing aking pananghalian.

Lumabas ako ng bahay na mayroong pagtataka. “Mahal ba ako ng Diyos? Binigyan niya ako ng mapagmahal na ina na nariyan sa aking tabi. At sa tuwing nakikita ko ang aking mga magulang na masaya, ako’y tila anghel nagsasayaw sa langit sa sobrang tuwa.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa maputik na lansangan. Bago ako makarating sa hagdan papasok sa gusaling pinag-aaralan ko, nakaagaw sa’kin ng atensyon ang isang batang kasing-edad ko, kasama ang kanyang ina, masayang inihatid sa paaralan, at ipinabaon ang halik na walang hihigit pa. Naalala ko ang aking pamilya, ang pamilyang itinuring ko.

Inunat ko ang manggas ng aking damit, naramdaman ko lamig ng hanging nagdulot ng aking pagkabagabag. Suot-suot ko parin ang blusang naisuot ko na kahapon. Walang malalim na dahilan, wala nang lakas si Mama na ipaghanda pa ako ng aking gagamitin, wala nang pagmamahal si Papa para sa akin, bilang anak niya.

Nagsimula na ang klase, ngunit itong paksa parin ang naroon sa aking isipan. Marahil ay napansin ito ng aking guro. Lagi akong matamlay, at laging mapupula ang mga mata dahil sa pag-iyak. Inaamin ko, hindi ako palakaibigan. Madaratnan n’yo akong may malalim na iniisip. Naupo ako sa ilalim ng puno. At lumapit ang isang batang lalaki, na siyang kasing edad ko. Tumabi si Chris sa akin at nagsimulang magkwento. Tama, Chris nga ang pangalan niya. Siya lamang ang nakapagpasaya sa akin sa ganoong pagkakataon. Dahil sa mga problemang aming pinagdaraanan, hindi ko nabatid na magkatabi lamang ang bahay na aming tinitir’han. Masayang-masaya akong nakilala namin ang isa’t-isa, sana gayundin si Mama... nararamdaman ang kaligayahan na aking natatamasa.

Napakabait ni Chris sa akin. Magkasabay kaming umuwi ng araw na iyon. Hindi matapos-tapos ang kanyang mga kwento. Di-alintana ang paglubog ng araw. Simula ito ng paghilum ng mga sugat sa’king damdamin

Pag-uwi ko sa bahay. Ako lamang mag-isa ang naroroon. Tila hindi pa umuuwi si Mama. Wala parin sa ayos ang mga kagamitan. Dali-dali akong umakyat sa aking silid. Pabulong kong tinawag si Chris. Ang magkatapat na bintana lamang ang nagsisilbing tulay sa aming dalawa. Malaya kong nasasabi sa kanya ang hapding aking itinatago. Ngunit, bagaman nakikita ko ang pagkahabag sa kanyang mga mata, hinayaan ko siyang malaman ang tunay na nararamdaman ko.

“Essie, hindi ka naman bibigyan ng Diyos ng problemang walang sulusyon, di ba? Siguro, may gustong ipagawa sa’yo ang Diyos, hindi yon, makakasama!”

Nabigla ako nang marinig ang maingay na kalampag ng mga gamit mula sa ibabang palapag. Dumating na si Papa. “Panginoon, kung masisilayan ko pang muli ang liwanag ng araw, hayaan niyo po sana akong magkaroon ng lakas, upang si Papa ay iligtas, mula sa apoy ng impyerno, at pusong napilas”ang tanging tumatakbo sa aking isipan.

Binuksan ni Papa ang pinto ng aking kwarto. Hinawakan ang aking buhok at sapilitan akong dinala sa may dingding. Itinulak niya ako laban sa mga dingding na ito.

“Hoy, ikaw Essie, simula ng dumating ka sa buhay namin, mula noong isang taon ka palang, hanggang sa magwalo, minalas kami’t lahat-lahat! Lumayas ka! Mabuti pa sayo’ng mamatay!” ang walang awang isinigaw ni Papa sa akin. Gamit ang kanyang mga kamay, hinawakan ang aking leeg at idiniin ang aking ulo sa dingding. Sampal, suntok, paghampas sa aking kamusmusan.

Gayundin si Chris, nakaramdam ng takot kung anong maaaring mangyari sa akin. Hindi makapaniwala si Chris na magagawa ito ng aking itinuturing na ama.

“Panginoon, kung ako’y lilisan sa mundong ito, hayaan n’yo po sanang maramdaman ko, ang kaligayahang hatid ng kaharian Mo.” pahikbi-hikbing winika ng aking pagal na puso, ang aking uhaw sa pagmamahal at pag-arugang kalooban. Marahil’y ito na nga ang huling panalanging aking maihahatid sa Ama mula dito sa lupa.

Hindi ko naiwasang umiyak. Kung sasapit man ang umaga, huli na. Wala nang makapipigil sa mga malulupit na kamay na nagdudulot ng pagdurusa.

Naging masaya ako sa desisyon ng Diyos Ama. Ang aking mga pakpak ang magtatago ng puot ng nakaraan, at ang aking ginintuang puso ang maglalahad ng katotohanan. Oo, hindi na ako nabubuhay pa, ngunit dito sa puso ng mga taong minamahal ko, si Mama, si Chris at maging si Papa, naging daan upang makapiling ko ang tagapagligtas, ako’y nananatiling anghel nila.

Labels: , , ,

|0 Comments |
Posted on Monday, April 12, 2010 at 9:42 AM.
The Choice
This coming school year is my senior year. I entered a review center to prepare myself for the exams - college entrance exams. Actually, I haven't decided about my course/subject yet. Mom and I argued over this. She told me that I should take medical-related subjects. Wanted me to be with my Ate, working in Ministry of Health -Kuwait. What I really wanted to take is BA Filipino or BSEd Major in Filipino.

Some teachers, my teachers, have regrets. I don't know why I seriously fell in love with this - Filipino Language and Literature. Personal favorite, I should say.

Ang dahilan? I believe that these kids, the youth, deserves a better future. This is for my country. Para sa darating na mga pagsubok at para sa matatamong tagumpay. Noon, walang kahulugan sa akin ang mga katagang, "Kabataan ang pag-asa ng ating bayan." Ikaw, nadama mo na ba ang pagnanais na mapabuti ang ating kalagayan? Salamat sa mga guro na naging inspirasyon at mga icons na nagpatibay ng aking kalooban tungkol sa usaping ito, Nariyan si Gng. Yaneza, Gng. Urellan, si Chiz Escudero, at syempre, si Bob Ong.

I am just typical girl. I don't collect medals and certificates. Not a great dancer. Not even a great singer. Once, embarrassed in front of 20+ students. Only, I am a concerned citizen. Observed and received a broken heart from what I saw. Natatakot ako na dumating ang araw na itong mga batang nakikita ko ay pagkakaitan ng karapatang matuto. Natatakot ako na manatili silang bulag. Nadudurog ang puso ko. Naawa ako. Nag-aalala. Hindi ito para sa akin. Para ito sa tulad nila na nangangarap.

Kung sila ma'y may magulong isipan at nagkamali, tuturuan ko silang bumangon at patuloy silang hihikayating matuto at tuparin ang kanilang mga pangarap. At sa saglit kanilang tagumpay, ngingiti ako at sasabihing, "Anak, hindi ako nagkamaling maglingkod. Salamat. Pinasaya ninyo ako."

At doon, pinapangako ko, magkakaroon ng mabuting simula ang bansang ito. Sa mga palad ng kabataan na may pagmamahal sa iyo, Pilipinas, nakasalalay ang lahat.

Labels: , , ,

|0 Comments |
Posted on at 8:20 AM.
Curious Ella
Is is a good thing or a bad thing ? I'm always curious. I care about answers, about reasons, who's who and who's not. Everything in this world seems interesting. I like observing people - watching the effects of certain acts.

Labels: ,

|0 Comments |
Posted on Sunday, April 11, 2010 at 10:26 AM.
They love Tumblr

(source)

We all know that Tumblr-ing is fun. I am one of those who left - but I returned, their blogs (like Wordpress, Livejournal, and this, Blogger) for Tumblr. But please, blogging about your real life, funny stories, interests, is alot better than reblogging photos and posts. I am not against Tumblr. But I am a fan of bloggers who stayed - telling their own stories.

Labels:

|0 Comments |
Posted on at 2:30 AM.
Quote-ly

First, BLOG YOUR HEART OUT. I need a space for my thoughts. I need someone who will listen.

Second, PRAY AND WAIT. Trust God. Everything will be fine.


Labels: ,

|1 Comments |
Posted on at 1:28 AM.