This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
mustloveAKLAN !
medyo happy and sad .
oha !? two in one yan , men !!

namiss ko yung laptop ko .
di ko na dinala ee . hhahaha .. :))
nagsisisi ? MEDYO !!

namiss ko rin yung daily routine ko .
YM - FS - FB - MULTIPLY - PLURK
routine ko .

anung ayaw ko sa AKLAN ?
medyo marami-rami rin .. haha :))

walang TV at computer - eto palang sakripisyo na ! woooo !

yung bathroom sa bahay ng grandma ko - gawa siya sa kawayan na nipagsama-sama . oo , probinsyang - probinsya ang dating ! astig nga pero nakakatakot ! haha .
alam ko naman walang sisilip sa akin pero di lang talaga ako sanay mag-CR sa lugar na ganun . namamahay pa naman ako . :)) kaya may times na pumupunta pa ako sa bahay ng tita ko - buti malapit lang , para makaligo , makapupu , makawiwi .. tapos sa gabi dilim dilim pa - nakahiwalay po yung bahay at yung bathroom na gawa sa kawayan .. woo ! survival is a must ! :))

yung insects (lalo na sa gabi) - alam niyo naman na takot ako sa insects na kakaiba at sa SPIDERS . one time sabi ng tatay ko , "parang gagamba yang nakikita ko" - in bisaya . tapos , tiningnan ko naman kung san siya nakatingin - medyo takot na ako !! . sinundan ko yung tingin ko sakanya -- and WAAAA !! nasa pants ko yung spider . oh my . !! waaa . hindi ako masyado makagalaw tapos ni-shake ko yung pants ko para mawala .. ! hahah ;)) tapos tawa ng tawa yung tatay ko . haha .. ;)) samantalang ako - asar na asar .

ROCKY ROAD - sino ba naman di maasar diba ? :))

yung radio na bisaya ang DJ & speakers- marunung ako magsalita at nakakaunawa naman ako ng Aklanon or bisaya . pero may terms parin na di ko maintindihan .. kainis . pero at least may radio kundi baka mag-suicide ako dahil sa depression .. JK.

yung mga grass na dahilan ng allergies ko sa legs - kainis , bakit pa kasi may ganung uri ng damo . damo na abot hanggang tuhod . and guess what , napakakati ng FLOWERS nun ! errr.
yung maliliit na pathways . - may mga bahay na bago marating dadaan sa small pathways sa pagitan ng palayan .. waa . masikip na nga , madulas pa at madamo !!!

yung pangingitim ko - waaa , nauso pa kasi ang languyan ee . pero infairness nag-enjoy ako .. haha !

lumot - itchy ! hmp !

pero ang GUSTO KO sa Aklan na wala sa Manila .

the people - Lovely! Laging naka-smile , parang BACOLOD LANG AA? haha . dami pala naming kamag-anak .. dami ko ring di kilala na dapat makilala . Kaso di sapat yung 1 week ee . :)) andun yung cousins ko , lola , lolo , tito , tita , ninang , friends .. :))

Boracay ! - yohooo , saya sa bora . daming people pero sa gabi - buhay na buhay ang bora .
babalik-balikan talaga . :P hahah , oh ayun masaya naman ako . enjoy !! kahit ginto ang mga bagay .

yung nature - walang tatalo sa scenes .. :)

yung airplane - love ko talaga ang pagsakay sa airplane .. wala lang :) share : anlikot ng Cebu P - kaya mas maganda parin yung Phil. Air :))

yung trip - daming pinuntahan .. Bahay ng relative, eco-farm, beach resorts, atbp. .. haha .

LIFE - masaya .. kakaiba .

SEAFOODS - mayaman ang aklan dyan ! yummmy . wawa naman yung mga allergic .. :(

LOVE YOU , Aklan. Walang tatalo sayo !

Labels: , ,

|2 Comments |
Posted on Friday, May 22, 2009 at 8:29 PM.
Pacman & the 2010 election
According to the news last night , Mr . Manny "PACMAN" Pacquiao will run . For me , this plan isn't a good idea . (warning : change language ) Kung mahusay siya sa boxing hayaan na siya muna roon . Sa ngayon , magulo ang pulitika . It's not that I under-estimate him but , everyone knows na ngayon palang siya nagpapatuloy ng pag-aaral . Ang pilipinas hindi na makakapaghintay pa para sa pagbabago , as soon as possible dapat magsimula na . Hindi rin naman siya pwedeng mag-experiment pag dating sa pulitika . Noong nakaraang taon ay tumakbo siya ngunit hindi siya nanalo . Ang naiisip ko tuloy ngayon ay tila ginamit at gagamitin lamang niya ang kasikatang natamo dahil sa tagumpay sa boxing . Sana maging matalino sa pagboto ang mga pilipino . Paumanhin kong hindi ko gusto ang mga plano ni pacman . Siguro'y sapat na ang kanyang nagawa - karangalan ng bansa . If Pacman really wants to make a difference , magagawa niya yun kahit hindi siya politiko . Hindi crab mentality ang dahilan bakit may ilang pilipino ang ayaw kay Manny Pacquiao .

Opinion ng iba .
Website ni PacMan

Labels: ,

|3 Comments |
Posted on Tuesday, May 5, 2009 at 4:51 PM.
Things Teenagers Can't Live Without
1. Cellphone - Aside from being a social status symbol , it is a necessity to many . Helps everyone specially during emergencies like suspended classes , you're lost , forgotten PE uniforms and other studying materials at home .

2. Jeans - basic part of the teenage wardrobe .

3. Mall - I don't know why or which part of the mall made every teenager fall for it . Maybe because it''s the ultimate gimmick place . You find everything there , from clothes to magazines , donuts to ice cream parlors , coffee bars and restos , billiards and counterstrike , almost everything .

4. Internet - maybe because it helps us with our homeworks and research projects , the IM chat , downloading stuffs , e-mail , shop online , watch movies , and more .

5. TV - I used to love TV when I was little . I loved watching Tom&Jerry , power puff girls , and House of Mouse . Now , I like different shows . Thanks to Skycable network, more channels = more fun , with different shows that matches my interests .

6. Music - is life !

7. Hanging out - teens love get-together's .

source : Somewhere in Between by Monique Buensalido

Labels: ,

|3 Comments |
Posted on Monday, May 4, 2009 at 9:32 AM.
For the country
i love my country , so i joined this site . Make the difference .
AKO MISMO handang gawin lahat para sa pagbabago
Let's help our country .

Labels: ,

|0 Comments |
Posted on Sunday, May 3, 2009 at 8:32 PM.
New favorites

I've been downloading movies. thanks to seedpeer and piratebay . i love watching movies , specially movies that discuss friendship (mean girls ) , love , fitting - in (the clique , wild child) , young romance ( little manhattan ) , family stuffs ( cheaper by the dozen , the pacifier , yours mine : ours , and other stuffs .


MOVIE1 : the Gameplan
The movie revovles around Mr. Joe Kingman , a quaterback and her long lost daughter Peyton . After the new year party , Peyton went to her father's place . Well , Joe got no idea about his daughter peyton . Peyton's mommy died 6 months before Peyton went to his dad's condo . Joe's manager was shocked . Well , it all ended up Joe learning his lesson . The lesson , that the best thing that happened to him is to have a child , a wonderful daughter like Peyton . Joe's team won the championship . Actually there's more to say about this movie , but all i want to say is this film is AWESOME .

MOVIE2 : A Cinderella Story
Revovles around a pretty girl , or call her a princess . Her father was her bestfriend until he died during an earthquake . So little princess lived with her stepmother and mean stepsisters . The movie is awesome . Lesson : learn to stand up , and fight for your rights .

MOVIE3 : 50 first dates
I know it's hard to court and date a girl with a sickness . Sweet.

MOVIE4 : PS I love you
You'll love this movie . It's about a choice between holding on or letting go . Holly's husband died because of brain tumor . But before he died , i wrote letters to send to holly . Holly wreceived 1 letter each day . It is sweet . Gerry planned everything and made Holly happy and finally taught her the lesson . Lesson : What makes you happy isn't permanent .

Well , that's all for now ..

Labels: ,

|2 Comments |
Posted on at 8:12 AM.
Pacman's Big fight
Today is Manny Pacquiao's fight against Hatton . They entitled the fight : "The Battle of East and West". Actually , I don't know why everyone is really excited about this . I don't like Pacman . I don't mean , I hate him . Umm , I can't tell . Pretty hard to explain . Filipinos treat Manny Pacquiao as a hero or something .. I just hate the fact that people excel in 1 great thing : BOXING . Boxing - basagan na mukha . Or should I say palakasan . Maybe , before , it's only for fun , but now it's a JOB . A big working experience . I can't blame those boxers . The receive cash , and fame too . The receive honor from different people . Look , Mr. Pacquiao visit the M.Palace every vacation because he received an invitation from our president . He is being praised by everybody .

My dad was invited by my tito Caesar , a relative who just came back from US . They will watch the fight in Mall of Asia . I asked papa if he can bring me along , but he refused . I just told him to bring home something for me . I want to go with them not because I want to watch that fight but to bond with them .

I can't understand why boys love to watch fight like those . I hate watching games/fight like boxing , WWE , and other violent fights . See , some kids are being influenced by these . I thought the youth is the hope of this land , but if we'll continue putting ideas to these kids' minds , how can we reach success ? I am not saying that Manny Pacquiao is a bad influence but we need guidance from parents and other people about this thing . Look at his kids , one of his sons said that he want to be like their daddy . Good , pacman said that he want his kids to finish their studies and don't follow his steps .

Hmm , those are my opinions . Afterall , God bless to Manny Pacquiao and Ricky Hatton . Be the best man win . That's All . Paalam .

*Update*
Pacman won . :)

Labels: ,

|0 Comments |
Posted on Saturday, May 2, 2009 at 5:19 PM.
Q42day
What is one food you’d never want to taste again?
- maybe it's the Okra or the tomatoes . I hate the smell and taste .

If you could be any superhero and have super powers, which one would you like to have and why?
- I want to be the girl who can teleport . That's cool and awesome . It can help if you're in a great rush .

Labels:

|0 Comments |
Posted on at 7:25 AM.
Remember these dates
May 7 - my birthday
my plan : stay dito sa bahay nuod movie DVD's , nuod sine , gala

May 14 - flight : Manila to Kalibo
my plan : pack things early to avoid inconvenience . bring your books , coats , swimsuit , & comfy clothes . bring the laptop (optional) .

May22 - flight : Kalibo to Manila
my plan : leave my pictures to lola . take pictures with my cousins .

wow , looks busy huh ? grabe , parang nung march and april puro tulog lang at gala yung gawain ko . finally , magkikita na kami ulit ng relatives ko . iloveyou all .

Labels: , ,

|0 Comments |
Posted on at 7:10 AM.
Ang Umaga at Ikaw
Alasais na pero di parin ako nakakatulog . Ewan ko ba bakit kita iniisip . Oo , ikaw ang iniisip ko .. 2 taon ang tanda mo sa akin . Nagkakilala tayo sa canteen , naaalala ko pa .. 1st year ko iyon sa high school . Magkasunod lang ang mesa na kinauupuan natin at kasama mo si kuya JB . Si kuya jb ay anak ng isa sa mga kaibigan ni mama , pinakilala ka niya sa akin pero wala kang pakialam . Kwento ka kasi ng kwento tungkol sa DotA , online game . Wala naman sa akin iyon pero ngayon lahat ay nagbago na . Sa gulang kong ito , nabihag mo ang puso ko . Anu ba kasi ang meron ka ? Nakakapagtaka kung bakit ikaw pa ang kauna-unahan kong minahal .

Inum ng kaunting tubig . Heto , natutuwa parin at napatunayang napakatatag ko pala dahil mahigit isang taon narin kitang minamahal . Sa tulong narin ng ilang mga kaibigan ay naging malapit tayo sa isa't - isa . Simple lang naman akong mag-aaral . Ikaw , isa sa mga hinahabol-habol . Minsan pa nga , tungkol sa mga babaeng patay na patay sa iyo ang tema ng usapan natin eh . Kung hindi naman babae , bakla ! Nung una , ayoko sa iyo . Sa totoo kasi , naiilang ako sa mga ginagamit mong salita . Mga salitang parang tunog kalye . Ewan ko pero hindi ko gusto . Ikalawa , ayon sa narinig ko mahilig ka sa gulo . Mayabang ka rin raw . Ngunit lahat ng iyon ay ilan lang pala sa ugaling ikinaiba mo sa kanila . Nakilala kita bilang masayahin , mabait , romantic , at maalalahanin .

Inaabot na ng sikat ng araw ang aking higaan . Noong una , kaibigan at kapatid lang ang turingan natin . May nililigawan na noon . Wala namang problema sa akin iyon dahil pag-aaral parin ang nasa isip ko . Dumating ang araw at nahati ang panahon mo sa aming dalawa . Bihira na tayong magkasama at mag-usap . Hindi na tayo magkasabay sa lunch break . Dumating ang marso , gulat ko nalang nang may natanggap akong mensahe . Ay , ikaw pala . Noong mga panahong iyon , tila problemado ka . Sinabi mo , "Ella , nasaktan ko si Arianne" . Si Arianne ang bestfriend ko . Matagal ko nang alam na mahal ka ni Arianne bago mo pa nalaman . "Mahal niya pala ako." Hindi ko pa alam ang sasabihin sa'yo non . Basta alam ko , naawa ako kay Arianne , pero bahagi iyon ng pagmamahal . Pero teka , anu to ? Kakaiba yung pakiramdam ko . Sasabihin ko narin ba kung ano ang nararamdaman ko ? Nag-aalangan pa ako noon pero sinabi ko narin . Nakakasakit ka pero hindi mo alam at di mo rin dapat malaman . Di mo dapat malaman dahil hindi kailangan , at alam ko sa sarili kong wala akong karapatan . At labis mong ikinagulat iyon . Puro "Sorry talaga.", at "Sorry , hindi ko alam . ", ang natanggap ko mula sa iyo . Napangiti mo ako dahil doon . Salamat .

Naririnig ko ang mga ibon na nag-awitan . Inamin mo na minahal mo ako . Ngunit dahil sa ayaw mong masayang ang pagkakaibigan natin , itinago mo nalang ang nararamdaman . Naging totoo tayo sa isa't - isa matapos kong ikumpisal sa iyo ang pag-ibig ko . Halos araw araw magkausap sa telepono . Ayokong umasang magiging tayo pero kung may pagkakataon , bakit hindi . Masaya kang kasama . Madami kang interes na noon ko lang nalaman . Nanonood tayo ng sine . Tumatambay at nagkwekwentuhan . Iyo ang pinaka masayang bahagi ng buhay ko - ang kapiling ka .

May ilang dyip naring dumadaan sa kalye namin . Isang araw ng Nobyembre . Isang araw na puno ng gawain . Madami akong inaasikaso ng araw na ito .. Isang paligsahan ang naghihintay sa akin at sa aming magkakaklase . Iniwan ko sa iyo ang aking bag para iyong bantayan habang kami'y nasa paligsahan . halos alasais na ng hapon ng ako'y makalabas ng paaralan . basta ang naalala ko , andun ka .. hinihingi mo ang "Oo" mula sa akin . Nung una , medyo tulala ako . Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa iyo . Ang mga kaibigan mo na nasa tapat na fastfood ay may hawak na cartolina , nakalagay "I love you" . Hindi ako makapaniwala sa nangyari . Bigla nalang , lumuhod ka . Oo , sa harapan ko mismo . Sa tapat ng school gate , sa sidewalk , sa harapan ko lumuhod ka .. Hindi ako makapaniwala .. Hinawakan mo ang aking kamay , iniabot ang rosas na kulay kahel at itinanong muli , "pwede ko na ba marinig ang Oo mo ?" . Wala na akong nagawa , tutal mahal ko naman siya , "Okay , Oo na . Tumayo ka na nga dyan. " Sobrang saya ko . Pero teka , paano mo nalamang kulay kahel ang paborito ko ? salamat .

Nagugutom na ako , gusto ko nang mag-almusal . 2 buwan lang at kailangan na nating maghiwalay . Sabi mo , "Sorry , na-fall ako sa iba ," . Pinakamasakit marinig iyon sa mismong araw ng pang-ikalawang buwan natin . Nang marinig ko yo'n sobrang gulong-gulo ako . Hindi ko alam kung anong dapat gawin . Gusto mo magpaliwanag pero bago ka pa nagsalita , pinatigil kita at ako'y umalis na . Sa dami - dami ng ating pinagsamahan nauwi lang sa paghihiwalay . Siya nga pala , ipakilala mo naman ako ng personal sa kanya , dun sa dati mong bestfriend . Oo , dating bestfriend , ngayon girlfriend na . Wag kang mag-alala , hindi ako nagseselos . Basta kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako . Oh siya , naghihintay na ang mundo sa pagdating ng bagong AKO . Sa ngayon , paalam muna .

Isa na namang umaga ang naririto . Hanggang kailan kaya kita hahanap-hanapin . Nangungilila na ako pero , Oo , kailangan ko nang makalimot .

Labels: , ,

|0 Comments |
Posted on Friday, May 1, 2009 at 4:15 PM.