This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
Paglimot sa Isang Anghel
Note : I wrote this when I was ten. I found this, finally, at my old site.
Inspiration : Concrete Angel by Martina Mcbride

Napukaw ako ng ingay na nagmula sa silid ng aking ina. Bagamat musmos pa lamang ang aking isipan, napansin ko ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Napuna ko ang mga pasang nasa kanyang braso. Walang sinumang pumasok sa aking isipan maliban sa aking ama. Siya lamang ang makagagawa nito. Simula nang bumagsak ang aming negosyo, nabaon kami sa mga utang. Hindi lamang ang aking itinuturing na ina ang pinagbubuntungan ng kanyang galit, sa kadahilanang ako’y hindi nila tunay na anak, maging ako, tiyak na dumaranas ng pasakit na ito. Noon ko lamang nakita si Mama na tumangis ng tila wala nang pag-asa. Nang natanaw ako ni mama “Essie, wag kang lalapit...”

Nang inihagis ni Papa ang bote ng alak na hawak hawak niya, nagmamadali akong tumakbo patungo sa aking silid. Niyakap ko ang unan upang pigilin ang takot at ang nararamdamang awa para sa sarili at sa aking ina. Palubog na ang araw, ang tanging idarasal ko’y, “Panginoon, kung ako’y gigising pang muli bukas, hayaan n’yo po sana akong maipamalas sa aking ina ang kaligayahang nakalaan para sa kanya.”

Maaga akong gumising upang pumasok sa paaralan. Magulo ang mga kagamitan dahil sa nangyari kahapon. Tulad ng dati, wala roon si Papa. Karaniwang inuumaga siya ng uwi at sa tuwing darating siya’y lango siya sa alak. Ngunit ako’y sinorpresang hindi madatnan ni Mama sa kanyang silid. Inisip kong marahil ay naroroon siya sa may kusina. Ngunit nang nagtungo ako sa silid-lutuan, walang kahit bakas siyang naiwan. Binalot ako ng mga katanungang, “Nasaan kaya si Mama? Uuwi pa kaya siya?”

Kumuha ako ng ilang pirasong tinapay. Iyon na lamang ang magsisilbing aking pananghalian.

Lumabas ako ng bahay na mayroong pagtataka. “Mahal ba ako ng Diyos? Binigyan niya ako ng mapagmahal na ina na nariyan sa aking tabi. At sa tuwing nakikita ko ang aking mga magulang na masaya, ako’y tila anghel nagsasayaw sa langit sa sobrang tuwa.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa maputik na lansangan. Bago ako makarating sa hagdan papasok sa gusaling pinag-aaralan ko, nakaagaw sa’kin ng atensyon ang isang batang kasing-edad ko, kasama ang kanyang ina, masayang inihatid sa paaralan, at ipinabaon ang halik na walang hihigit pa. Naalala ko ang aking pamilya, ang pamilyang itinuring ko.

Inunat ko ang manggas ng aking damit, naramdaman ko lamig ng hanging nagdulot ng aking pagkabagabag. Suot-suot ko parin ang blusang naisuot ko na kahapon. Walang malalim na dahilan, wala nang lakas si Mama na ipaghanda pa ako ng aking gagamitin, wala nang pagmamahal si Papa para sa akin, bilang anak niya.

Nagsimula na ang klase, ngunit itong paksa parin ang naroon sa aking isipan. Marahil ay napansin ito ng aking guro. Lagi akong matamlay, at laging mapupula ang mga mata dahil sa pag-iyak. Inaamin ko, hindi ako palakaibigan. Madaratnan n’yo akong may malalim na iniisip. Naupo ako sa ilalim ng puno. At lumapit ang isang batang lalaki, na siyang kasing edad ko. Tumabi si Chris sa akin at nagsimulang magkwento. Tama, Chris nga ang pangalan niya. Siya lamang ang nakapagpasaya sa akin sa ganoong pagkakataon. Dahil sa mga problemang aming pinagdaraanan, hindi ko nabatid na magkatabi lamang ang bahay na aming tinitir’han. Masayang-masaya akong nakilala namin ang isa’t-isa, sana gayundin si Mama... nararamdaman ang kaligayahan na aking natatamasa.

Napakabait ni Chris sa akin. Magkasabay kaming umuwi ng araw na iyon. Hindi matapos-tapos ang kanyang mga kwento. Di-alintana ang paglubog ng araw. Simula ito ng paghilum ng mga sugat sa’king damdamin

Pag-uwi ko sa bahay. Ako lamang mag-isa ang naroroon. Tila hindi pa umuuwi si Mama. Wala parin sa ayos ang mga kagamitan. Dali-dali akong umakyat sa aking silid. Pabulong kong tinawag si Chris. Ang magkatapat na bintana lamang ang nagsisilbing tulay sa aming dalawa. Malaya kong nasasabi sa kanya ang hapding aking itinatago. Ngunit, bagaman nakikita ko ang pagkahabag sa kanyang mga mata, hinayaan ko siyang malaman ang tunay na nararamdaman ko.

“Essie, hindi ka naman bibigyan ng Diyos ng problemang walang sulusyon, di ba? Siguro, may gustong ipagawa sa’yo ang Diyos, hindi yon, makakasama!”

Nabigla ako nang marinig ang maingay na kalampag ng mga gamit mula sa ibabang palapag. Dumating na si Papa. “Panginoon, kung masisilayan ko pang muli ang liwanag ng araw, hayaan niyo po sana akong magkaroon ng lakas, upang si Papa ay iligtas, mula sa apoy ng impyerno, at pusong napilas”ang tanging tumatakbo sa aking isipan.

Binuksan ni Papa ang pinto ng aking kwarto. Hinawakan ang aking buhok at sapilitan akong dinala sa may dingding. Itinulak niya ako laban sa mga dingding na ito.

“Hoy, ikaw Essie, simula ng dumating ka sa buhay namin, mula noong isang taon ka palang, hanggang sa magwalo, minalas kami’t lahat-lahat! Lumayas ka! Mabuti pa sayo’ng mamatay!” ang walang awang isinigaw ni Papa sa akin. Gamit ang kanyang mga kamay, hinawakan ang aking leeg at idiniin ang aking ulo sa dingding. Sampal, suntok, paghampas sa aking kamusmusan.

Gayundin si Chris, nakaramdam ng takot kung anong maaaring mangyari sa akin. Hindi makapaniwala si Chris na magagawa ito ng aking itinuturing na ama.

“Panginoon, kung ako’y lilisan sa mundong ito, hayaan n’yo po sanang maramdaman ko, ang kaligayahang hatid ng kaharian Mo.” pahikbi-hikbing winika ng aking pagal na puso, ang aking uhaw sa pagmamahal at pag-arugang kalooban. Marahil’y ito na nga ang huling panalanging aking maihahatid sa Ama mula dito sa lupa.

Hindi ko naiwasang umiyak. Kung sasapit man ang umaga, huli na. Wala nang makapipigil sa mga malulupit na kamay na nagdudulot ng pagdurusa.

Naging masaya ako sa desisyon ng Diyos Ama. Ang aking mga pakpak ang magtatago ng puot ng nakaraan, at ang aking ginintuang puso ang maglalahad ng katotohanan. Oo, hindi na ako nabubuhay pa, ngunit dito sa puso ng mga taong minamahal ko, si Mama, si Chris at maging si Papa, naging daan upang makapiling ko ang tagapagligtas, ako’y nananatiling anghel nila.

Labels: , , ,

|0 Comments |
Posted on Monday, April 12, 2010 at 9:42 AM.