This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
Akda ni Wilfredo
Takda namin sa Filipino ang basahin ang kwentong "Silindro ni Doy ni Wilfredo Virtuso ". Magandang kwento . Oo , napakaganda . Ewan ko ba , ngunit naiyak ako ! Masyado ko naman ata dinama yung storya .


Ang Silindro ni Doy (Wilfredo Virtusio)

Doy - Sancho Pancho, nabilanggo dahil sa pagtaga sa 2 lalaki

- may 2 pilat sa kaliwang tagiliran

- pandak, maitim, matipuno, makapal

- marunong makisama

Noy- kasama ni Doy sa brigada,

Ben- kasam rin sa brigade, nagtago ng silindro

Bruno- payat at balbasin, di makatulog dahil sa silindro

*pamilya ni Doy - mula sa Negros lumipat sa Mindanao ( kagubatan) dahil sa kahirapan

- kagubatan sa Mindanao- sinaka ni Doy at nagtayo ng tirahan

*Agrarian Reform Law- nagbibigay karapatan sa mga taong nagsaka sa lupa

Aral: matutong kontrolin ang sarili (source)

Nalungkot ako . Nag-iisa na lamang si Doy . Hindi na siya nadadalaw ng kanyang pamilya dahil simula ng makulong si Doy ay nagkalayo ng sila . Isang araw , nakita ni Noy na may hawak-hawak si Doy na silindro (parang Harmonica) . Simula noon , nagsanay ng nagsanay si Doy hanggang sa maitugtog na niya ang mga piyesang inihaharana niya sa asawa . ;) Simula rin noon , hindi na tumigil sa Doy sa pagtugtog ng silindro na naging dahilan sa pagkapuyat ng mga kasam sa brigada . Kaya napagkasunduang nakawin ang silindro ng matigil na ang pagtugtog ni Doy . Hindi ko malaman bakit hindi nila maintindihan na mahalaga kay Doy ang silindro .

Tulad nga ng sabi ni Gng. Urellan , sa isang kwento may nasa likod pa , at sa likod ng kwento ay may nasa likod pa .


Bakit hindi nalang nila kinausap si Doy ? Hindi ba nila alam na sa kabila ng lungkot sa bilangguan ay nadama ni Doy ang contentment kahit paano sa tulong silindro ? Nalungkot ako .

Dahil doon , nang malaman ni Doy na nawawala ang silindro hinanap niya agad si Noy . Siya lang ang nakakaalam sa pinagtataguan ng silindro . Sinuntok niya sa Noy nang hindi nito inamin . Nagwala si Doy . Ang dating ningning na nasa mga mata ni Doy ay naglaho . Nanlisik ito . Kung sana hindi yon ang ginawa nilang aksyon , hindi magkakaganon .

Gulat ko't ng magkita sila , takot parin si Noy, humahangos pang lumapit si Doy . Hawak na niya ang silindro sa isang kamay . Humingi pa siya ng tawad kay Noy . Natuwa ako pero tingin ko'y si Noy rin ay dapat humingi ng tawad . Sabi pa ni Doy , "Suntukin mo ako , Noy para makaganti ikaw." Napakabuti niya . Pinanindigan niya na nagkamali siya nang suntukin ang kasama . Sinapok ni Noy si Doy sa nguso at pumutok ang labi nito . Imbis na gumanti , pilit niya pang ngumiti .

Wika pa'y ,"Amigo uli tayo."


Sentimental value ika nga . Nang binabasa ang kwento , unang pumasok sa isip ko ang aking lolo . Mahalaga siya sa akin , tulad ng pamilya ni Doy sakanya at ng silindro. Inalagaan niya ako simula pagkabata , sa kabila ng trabaho sa palayan na tanging pinagkakakitaan . Iniwan ako ng mga magulang ko sa aking lolo at lola . Sa panahong nangailangan ako ng tulong , andoon siya , andoon sila . Naalala ko pa ang mismong eksena nang malaman kong wala na ang aking lolo . Ganito rin , nakaharap ako sa computer , kasunod ay pagluha . Mga bagay na hindi natin kayang ipagpalit , isa doon ang aking lolo .

Para sa akin , ang aral na natutunan ko ay , PAGPAPAHALAGA . Wag nating palagpasin ang mga pagkakataong ipakita sa mga tao at maging sa munting bagay ang ating pagpapahalaga . PAG-UNAWA , kung naunawaan lang nila ang sitwasyon at problemang kinakaharap ni Doy , hindi mauuwi sa ganoon . Natutuwa ako at sa huli ay naging maayos ang lahat . Kung hango ito sa tunay na istorya , nasaan na kaya si Doy ? Mapalad siya at naging inspirasyon siya sa iba . Sana marami pang pilipino ang makabasa nito .

Salamat , Wilfredo . Salamat .

Labels: , , ,

|4 Comments |
Posted on Tuesday, July 7, 2009 at 4:41 AM.