This is my sugar space.
The world is not a lonely place.
The world is not a lonely place.
Ang Umaga at Ikaw
Alasais na pero di parin ako nakakatulog . Ewan ko ba bakit kita iniisip . Oo , ikaw ang iniisip ko .. 2 taon ang tanda mo sa akin . Nagkakilala tayo sa canteen , naaalala ko pa .. 1st year ko iyon sa high school . Magkasunod lang ang mesa na kinauupuan natin at kasama mo si kuya JB . Si kuya jb ay anak ng isa sa mga kaibigan ni mama , pinakilala ka niya sa akin pero wala kang pakialam . Kwento ka kasi ng kwento tungkol sa DotA , online game . Wala naman sa akin iyon pero ngayon lahat ay nagbago na . Sa gulang kong ito , nabihag mo ang puso ko . Anu ba kasi ang meron ka ? Nakakapagtaka kung bakit ikaw pa ang kauna-unahan kong minahal .
Inum ng kaunting tubig . Heto , natutuwa parin at napatunayang napakatatag ko pala dahil mahigit isang taon narin kitang minamahal . Sa tulong narin ng ilang mga kaibigan ay naging malapit tayo sa isa't - isa . Simple lang naman akong mag-aaral . Ikaw , isa sa mga hinahabol-habol . Minsan pa nga , tungkol sa mga babaeng patay na patay sa iyo ang tema ng usapan natin eh . Kung hindi naman babae , bakla ! Nung una , ayoko sa iyo . Sa totoo kasi , naiilang ako sa mga ginagamit mong salita . Mga salitang parang tunog kalye . Ewan ko pero hindi ko gusto . Ikalawa , ayon sa narinig ko mahilig ka sa gulo . Mayabang ka rin raw . Ngunit lahat ng iyon ay ilan lang pala sa ugaling ikinaiba mo sa kanila . Nakilala kita bilang masayahin , mabait , romantic , at maalalahanin .
Inaabot na ng sikat ng araw ang aking higaan . Noong una , kaibigan at kapatid lang ang turingan natin . May nililigawan na noon . Wala namang problema sa akin iyon dahil pag-aaral parin ang nasa isip ko . Dumating ang araw at nahati ang panahon mo sa aming dalawa . Bihira na tayong magkasama at mag-usap . Hindi na tayo magkasabay sa lunch break . Dumating ang marso , gulat ko nalang nang may natanggap akong mensahe . Ay , ikaw pala . Noong mga panahong iyon , tila problemado ka . Sinabi mo , "Ella , nasaktan ko si Arianne" . Si Arianne ang bestfriend ko . Matagal ko nang alam na mahal ka ni Arianne bago mo pa nalaman . "Mahal niya pala ako." Hindi ko pa alam ang sasabihin sa'yo non . Basta alam ko , naawa ako kay Arianne , pero bahagi iyon ng pagmamahal . Pero teka , anu to ? Kakaiba yung pakiramdam ko . Sasabihin ko narin ba kung ano ang nararamdaman ko ? Nag-aalangan pa ako noon pero sinabi ko narin . Nakakasakit ka pero hindi mo alam at di mo rin dapat malaman . Di mo dapat malaman dahil hindi kailangan , at alam ko sa sarili kong wala akong karapatan . At labis mong ikinagulat iyon . Puro "Sorry talaga.", at "Sorry , hindi ko alam . ", ang natanggap ko mula sa iyo . Napangiti mo ako dahil doon . Salamat .
Naririnig ko ang mga ibon na nag-awitan . Inamin mo na minahal mo ako . Ngunit dahil sa ayaw mong masayang ang pagkakaibigan natin , itinago mo nalang ang nararamdaman . Naging totoo tayo sa isa't - isa matapos kong ikumpisal sa iyo ang pag-ibig ko . Halos araw araw magkausap sa telepono . Ayokong umasang magiging tayo pero kung may pagkakataon , bakit hindi . Masaya kang kasama . Madami kang interes na noon ko lang nalaman . Nanonood tayo ng sine . Tumatambay at nagkwekwentuhan . Iyo ang pinaka masayang bahagi ng buhay ko - ang kapiling ka .
May ilang dyip naring dumadaan sa kalye namin . Isang araw ng Nobyembre . Isang araw na puno ng gawain . Madami akong inaasikaso ng araw na ito .. Isang paligsahan ang naghihintay sa akin at sa aming magkakaklase . Iniwan ko sa iyo ang aking bag para iyong bantayan habang kami'y nasa paligsahan . halos alasais na ng hapon ng ako'y makalabas ng paaralan . basta ang naalala ko , andun ka .. hinihingi mo ang "Oo" mula sa akin . Nung una , medyo tulala ako . Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa iyo . Ang mga kaibigan mo na nasa tapat na fastfood ay may hawak na cartolina , nakalagay "I love you" . Hindi ako makapaniwala sa nangyari . Bigla nalang , lumuhod ka . Oo , sa harapan ko mismo . Sa tapat ng school gate , sa sidewalk , sa harapan ko lumuhod ka .. Hindi ako makapaniwala .. Hinawakan mo ang aking kamay , iniabot ang rosas na kulay kahel at itinanong muli , "pwede ko na ba marinig ang Oo mo ?" . Wala na akong nagawa , tutal mahal ko naman siya , "Okay , Oo na . Tumayo ka na nga dyan. " Sobrang saya ko . Pero teka , paano mo nalamang kulay kahel ang paborito ko ? salamat .
Nagugutom na ako , gusto ko nang mag-almusal . 2 buwan lang at kailangan na nating maghiwalay . Sabi mo , "Sorry , na-fall ako sa iba ," . Pinakamasakit marinig iyon sa mismong araw ng pang-ikalawang buwan natin . Nang marinig ko yo'n sobrang gulong-gulo ako . Hindi ko alam kung anong dapat gawin . Gusto mo magpaliwanag pero bago ka pa nagsalita , pinatigil kita at ako'y umalis na . Sa dami - dami ng ating pinagsamahan nauwi lang sa paghihiwalay . Siya nga pala , ipakilala mo naman ako ng personal sa kanya , dun sa dati mong bestfriend . Oo , dating bestfriend , ngayon girlfriend na . Wag kang mag-alala , hindi ako nagseselos . Basta kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako . Oh siya , naghihintay na ang mundo sa pagdating ng bagong AKO . Sa ngayon , paalam muna .
Isa na namang umaga ang naririto . Hanggang kailan kaya kita hahanap-hanapin . Nangungilila na ako pero , Oo , kailangan ko nang makalimot . |0 Comments |

Posted on Friday, May 1, 2009 at 4:15 PM.